
So, naka-stand by lang 'yung tumblr while we're having our dinner. Tapos pagka-lingon ko sa laptop. Nasa around (87) na 'yung new posts sa dashboard ko. Tapos takang taka ako. Bakit naman ganon karami. Eh mga 30 minutes lang naman ako nawala tapos ganon kagad karaming mga nag post.
Nung bumalik ulit ako dito sa harap at nag-simula ng tignan 'yung mga kirami-raming posts sa dashboard ko, sobrang gulat na natakot ako. Kasi may hostage taking nanaman palang nangyari. At syempre, buong Pilipinas nabulabog dito. Wala talaga akong ka-alam alam. Ang useful talaga ng tumblr. Sa tumblr ko lang nalaman na may ganon na palang nangyayari ngayon sa Pilipinas. Kaya sobrang takot talaga ako sa mga taong na-hostage. Bakit ba kasi kailangang mang-hostage? Bakit ba kasi kailangang mandamay ng ibang tao na wala namang ginawang masama sayo? Ni hindi nga kayo magka-kilala eh. Hindi ko talaga mawari kung bakit kailangan gawin 'yung mga bagay na ganon. Talagang mas lalong magiging kumplikado ang lahat. At lalong dadami ang kasong maihahatol kay Mendoza. @-)
Nakakagigel talaga na ewan eh. Haynako, tignan lang natin kung makatulog pa siya pagkatapos ng mga nangyari. Tignan lang natin kung makaya ng konsensya niya. Nakaka-badtrip talaga. At sobrang malaking kahihiyan sa Pilipinas. Jusko. Grabe talaga. Kaya ayaw ni Mommy na nandiyan kami kasi sobrang delikado. Pero dahil mahal ko ang Pilipinas, uuwi parin ako at diyan mamumuhay.
So, eto na nga. Take a look at the photo above. Isa lang 'yan sa mga dagsang posts sa dashboard ko. Sunod sunod na posts tungkol sa hostage na 'yan. Sobrang natuwa lang ako kasi kahit mga kabataan may pakialam padin sa mga ganyang bagay. Mapa-mayaman man o mapa-maykaya, mapa-inglishera man o kahit ano. Basta lahat talaga nag uunite para diyan sa hostage taking na naganap sa Quirino Grandstand kung saan inaugurated si Noynoy at kung saan may mga inosenteng namatay. Sobra talaga sa konsensya 'yan. Tibay mo talaga Pareng Mendoza. Nampuchaa. Bahala nalang talaga si Lord sayo. Kahit wala ako diyan sa Pilipinas, damang dama ko 'yung tensyon kahit ilang libong milya ang layo ko sa Pilipinas. Wew. @-) Makapanuod nga ng balita sa internet.
Siguro bukas ng umaga ibabalita 'yan dito. At kung ibalita man 'yun. Panigurado lalong magiging panget ang tingin ni Daddy sa Pilipinas. Hindi ko na ma-ddefend ang Pilipinas. Kasi tama naman lahat ng sasabihin niya against sa Pinas eh. Wala na akong magagawa. Kawawa talaga ang Pilipinas. Lahat dawit dahil lang sa iisang lalaki na sinaniban ata ng demonyo na ewan. Goshhh. Shame on you, Mendoza. Oh well, habang nag ttype ako dito nabasa ko na patay na pala si Mendoza. San ka kaya mapupunta? Ayoko nalang magsabi kung san ka mapupunta. Anihin mo lang kung anong tinanim mo habang nasa mundong ibabaw ka pa ilang oras lang ang nakalipas.