Monday, August 23, 2010

Quirino Grandstand Hostage-Taking.



So, naka-stand by lang 'yung tumblr while we're having our dinner. Tapos pagka-lingon ko sa laptop. Nasa around (87) na 'yung new posts sa dashboard ko. Tapos takang taka ako. Bakit naman ganon karami. Eh mga 30 minutes lang naman ako nawala tapos ganon kagad karaming mga nag post.

Nung bumalik ulit ako dito sa harap at nag-simula ng tignan 'yung mga kirami-raming posts sa dashboard ko, sobrang gulat na natakot ako. Kasi may hostage taking nanaman palang nangyari. At syempre, buong Pilipinas nabulabog dito. Wala talaga akong ka-alam alam. Ang useful talaga ng tumblr. Sa tumblr ko lang nalaman na may ganon na palang nangyayari ngayon sa Pilipinas. Kaya sobrang takot talaga ako sa mga taong na-hostage. Bakit ba kasi kailangang mang-hostage? Bakit ba kasi kailangang mandamay ng ibang tao na wala namang ginawang masama sayo? Ni hindi nga kayo magka-kilala eh. Hindi ko talaga mawari kung bakit kailangan gawin 'yung mga bagay na ganon. Talagang mas lalong magiging kumplikado ang lahat. At lalong dadami ang kasong maihahatol kay Mendoza. @-)

Nakakagigel talaga na ewan eh. Haynako, tignan lang natin kung makatulog pa siya pagkatapos ng mga nangyari. Tignan lang natin kung makaya ng konsensya niya. Nakaka-badtrip talaga. At sobrang malaking kahihiyan sa Pilipinas. Jusko. Grabe talaga. Kaya ayaw ni Mommy na nandiyan kami kasi sobrang delikado. Pero dahil mahal ko ang Pilipinas, uuwi parin ako at diyan mamumuhay.

So, eto na nga. Take a look at the photo above. Isa lang 'yan sa mga dagsang posts sa dashboard ko. Sunod sunod na posts tungkol sa hostage na 'yan. Sobrang natuwa lang ako kasi kahit mga kabataan may pakialam padin sa mga ganyang bagay. Mapa-mayaman man o mapa-maykaya, mapa-inglishera man o kahit ano. Basta lahat talaga nag uunite para diyan sa hostage taking na naganap sa Quirino Grandstand kung saan inaugurated si Noynoy at kung saan may mga inosenteng namatay. Sobra talaga sa konsensya 'yan. Tibay mo talaga Pareng Mendoza. Nampuchaa. Bahala nalang talaga si Lord sayo. Kahit wala ako diyan sa Pilipinas, damang dama ko 'yung tensyon kahit ilang libong milya ang layo ko sa Pilipinas. Wew. @-) Makapanuod nga ng balita sa internet.

Siguro bukas ng umaga ibabalita 'yan dito. At kung ibalita man 'yun. Panigurado lalong magiging panget ang tingin ni Daddy sa Pilipinas. Hindi ko na ma-ddefend ang Pilipinas. Kasi tama naman lahat ng sasabihin niya against sa Pinas eh. Wala na akong magagawa. Kawawa talaga ang Pilipinas. Lahat dawit dahil lang sa iisang lalaki na sinaniban ata ng demonyo na ewan. Goshhh. Shame on you, Mendoza. Oh well, habang nag ttype ako dito nabasa ko na patay na pala si Mendoza. San ka kaya mapupunta? Ayoko nalang magsabi kung san ka mapupunta. Anihin mo lang kung anong tinanim mo habang nasa mundong ibabaw ka pa ilang oras lang ang nakalipas.

Wednesday, August 18, 2010

GOD is ♥!

Sobrang gulat talaga ako na ewan. Kasi ganito 'yun..

Nasa school kasi ako kanina kasi may parang tutorial ekek dun. At dahil isa akong mabait na bata, pumunta ako syempre sa school. :> =))) Edi tinuturuan ako ni Tanikawa Sensei. Usap usap kami. blah blah blah.. Tapos may tumawag sa kanya. Edi ayun. Umalis na siya. Tapos bumalik siya after 10-15 minutes? Sabi niya may aasikauhin na daw siya. Kaya iiwan na daw niya ko. May iniwan siya sakin na parang seatwork. Gawin ko daw 'yun. Achuchu. =)) E wala na akong magawa. Natapos ko na 'yung pinapatapos sa akin. Edi nagsulat ako ng kung anu ano sa notebook ko. Kasi naman nakatulala lang ako tapos kinakausap ko sarili ko. Kamusta naman 'yun. :| =))) Ang dami kong tanong sa sarili ko. Edi nagsulat nalang ako. Dun ko nalang isinulat lahat ng mga ka-ekekan ko. Wew. =)))

May pasok kasi kami bukas. Mga Third Year lang may pasok. Natatakot kasi ako baka walang nihonggo class saken. Edi magmumukang tanga nanaman ako dun. Kahit ba mag tetest sila eh. E pano naman ako. Edi nakatulala lang habang sila nagsasagot. Edi isa sa mga sinulat ko 'Sana po Lord maging okay po talaga bukas. Lord please. :( Natatakot at kinakabahan po talaga ako bukas e. Na ffreak out po talaga ako kung sa anong mangyayari bukas. Hindi ko po talaga ma-imagine. Kaya po Lord please help me naman oh. Sobrang kabang kaba po talaga ako. Kasi bago po umalis si Tanikawa Sensei hindi ko po pala natanong kung pano po ako bukas habang nagtetest silang lahat.' Tapos habang nagsusulat ako biglang dumating si Tanikawa Sensei. As in sobrang natuwa ako na ewan. Kasi akala ko talaga hindi na siya babalik. Kasi sa mga session naman namin kapag once na umalis na siya hindi na siya babalik eh. Kaya ang buo ko talagang akala hindi na siya babalik. Tapos nung bumalik siya sobrang nakampante talaga ako. Talagang totoo talaga na nandiyan lang si Lord. Nasa tabi natin. Ginaguide tayo. Sobrang saya ko talaga nun. Edi binalikan ako ni Tanikawa Sensei. Naitanong ko na din ang dapat kong itanong kung ano ang mangyayari sa akin bukas. At dahil dun, nalinawagan ako sa mga tanongsss ko. Sobrang thankful talaga ako. Totoo talaga ang prayer. :) Kaya sana maging okay 'yung school ko bukas. GV dapat!!

Wednesday, August 11, 2010

Natauhan na talaga ako.

Nung kakagising ko palang nag check muna ako ng FB ko. Tapos habang nandun ako sa may Home biglang may new post na lumabas dun. Isang babae. Mga pinosts niya mga pictures nila ng mga kaklase niya. Achuchu. =))) Edi tinignan ko. Tutal wala naman akong ginagawa eh.

Habang bina-browse ko 'yung pictures.. Sumasaket tiyan ko. Hindi ko alam kung baket. Hahahaha! =)))) May nakita ako. At dahil dun natauhan talaga ako. Hindi naman ako nagulat nung nakita ko eh. Inaasahan ko na 'yun. Inaasahan ko na ginagawa niya 'yun. Kahit sa mga sinasabi niya saken parang ang tino tino niya. Wtf. Natatawa talaga ako. =))) Sapat na saken na makita ko talaga. Para talagang hindi na'ko magpapaka-gaga or what. Basta bahala siya sa buhay niya. Wala na'ko pake. Kbye. =)))))

Infairness, ang tagal ko din palang naniwala sa kanya. Haynako. =))) Tanga ampta. TANGA, TANGA, TANGA!! Basta dedma nalang talaga. Wag kang maniniwala sa mga sasabihin niya. Puro salita lang 'yan. Wala sa gawa. Feel mo naman kase patay na patay ako sayo. Ulul. Mag-isa ka. =))) Yuck. Nakaka-TO talaga. Gangster pala mga tipo mo ha. Hahahahaha!!! =))))) LAUGHTRIP!:-J =)))))) Kala mo hindi ko makikita 'yun ha. Galing galing ko talaga. Pwede na'kong spy. Wahahaha! Yuck talaga. Wew. =))) Sige, di na kita gagambalain kailanpaman. :>

Tignan mo nalang 'to. Final set na'to ng mga nasa Featured Box ko sa FB. :> O, diba? Walang pampagulo. Maayos. :> Well. =)))))

Tuesday, August 10, 2010

Nolans - I'm in The Mood For Dancing. :>



1980's pa 'to eh. Eto 'yung favorite ko sa mga CD ni Mommy sa kotse. Dun ko lang din to nalaman. Hahahaha. Nakaka-GV kasi 'yung tugtog na 'yan eh. Kaya lagi kong pinapa ulit ulit 'yung track na 'yan. =)))))

I'm in the mood for dancing, romancing. Ooh I'm given it all tonight. I'm in the mood for chancin'. I feel like dancing. Ooh so come on and hold me tight

Dancin', I'm in the mood, babe. So let the music play. Ooh I'm dancin', I'm in the groove, babe. So get on up and let your body sway..
Pang GV talaga. Wooo. Gnight! >:D<

Webcam [?] EPIC FAIL. =)))))))

FIRST PIC.

SECOND PIC.

THIRD PIC.




Oo na! Lahat 'yan panget. Hahahahaha. Ba't ba. Feel ko 'yung buhok ko eh. Ang gaan kasi kasi ninipisan tsaka bagong gupet. Hindi nga lang masyadong halata na ginupitan. Hahahahaha!! =))))) Wala akong mapili kung ano maganda eh. Panget kasi lahat eh. =))))) Natatawa lang talaga ako kasi kung anu anong pinag-gagagawa ko. Feel na feel ampta. XD Pasensya na ha. Hayaan mo, pana-panahon lang 'tong pagiging feelingera ko. Tsaka dito lang ako sa BS nag ffeeling. :P =))))


EPIC FAIL TALAGAAAAAAAAAAAA!!!! =)))))By the way, cameroid nigamit ko diyan. Bwahaha. >:)

Monday, August 9, 2010

Paalam buhaghag hair. =))))))))

Wokay.. Kasalukuyang pinaplantsahan na 'yung buhok ko ngayon. After ilang years na'ko di nakakapag-rebond ulit. =)) At ngayon lang ako magpapa-salon dito sa Japan. Nakaka eggcite na ewan. Hahahaha! Lalo na nung binabanlawan buhok ko. Sobrang nakaka-relax e. :> =))) Inosente much? :P After plantsahin tong buhok ko gugupitan din ako. Sana wag maging epic fail 'yung kalalabasan nung gupit. :| =))))

GL HF! ^^

Sunday, August 8, 2010

Kwentuhan session. XD

Habang papunta kami sa Fukui, kung saan kami nag swimming sa dagat nag kwentuhan kami ni mommy habang nasa daan..

Ako: Mommy, pag-uuwi na tayo sa Pilipinas iiyak ako pag nasa airport na tayo. :(
Mommy: Osotsuki [mayabang]. Kunwari ka pa. Magtatatalon ka nga pag aalis na tayo dito e. Yehey!! Makikita ko na mga kaibigan ko. \:D/
Ako: Oveeeeeer! Hindi naman. Sakto lang. Basta, iiyak talaga ako. Napamahal na'ko dito sa Japan 'no. 1 year ba naman ako dito e. Ang dami dami kong pinag-daanan dito.
Mommy: Tsaka maninibago ka pag-uwi sa Pinas kasi ibang iba ang Japan sa Pilipinas.
Ako: napaisip.. Oo nga ano.
Mommy: Sa lahat maninibago ka talaga. Tignan mo, pag-uuwi na tayo sa Pilipinas malamig dito. Tapos pagdating mo dun sobrang init. Sana kung ngayong season tayo uuwi ng Pilipinas e, hindi naman. Mahihirapan ka talaga sa una. Pag-iinom ka ng tubig parang may lasa. Yung usok sa mga kalye. Basta sobrang maninibago ka, sinasabi ko sayo.
Ako: Hala, oo nga mommy. Natatakot ako. Baka may mga taong magalit saken. Kasi baka sabihin nila, pumunta ka lang ng Japan yumabang ka pati umarte. Natatakot ako na baka ganun sabihin ng iba saken. :(


--End of our conversation.

Kaya pag umuwi na ako sana intindihin niyo 'ko ha. =)))) For sure may mga mambbackstab saken pag pasok ko sa school. Wew. Bahala na. Basta love ko ang Japan pati Philippines. >:D<

Brown + Black. :>





WALA EH. FEEL NA FEEL KO YUNG KULAY SA BUHOK KO EH. FIRST TIME KASE. HAHAHAHAHAHA! PAGBIGYAN NIYO NA. =))))))) HOMEMADE LANG YANG PAGKULAY SA BUHOK KO. SI MOMMY LANG NAG KULAY SAKEN. HAHAHAHAAHA. NATUWA AKO NUNG PAGKA-LIGO KO EH. KASI MAY KULAY NA BUHOK KO. JUSKO, SA 14 YEARS NG BUHAY KO PURO ITIM LANG NAKIKITA KONG KULAY SA BUHOK KO. EH AT LEAST NGAYON MAY BROWN NA. WAHAHAHAHAHA. =)))))) MASYADO KONG FEEL EH. PERO HINDI NAMAN SIYA GANON KAHALATA. KAYA NGA TUWANG TUWA AKO EH. DI KASE NAHALATA NI DADDY. KAYA SAFE AKO. >:) YAN ANG MABAIT NA BATA. :>

Thursday, August 5, 2010

Masamang mag-sinungaling.

Yes, I know that it's not good when you're telling a lie. Pero, naipit ako sa sitwasyon eh. BV talaga. Halatang halata na nag-sisinungaling ako. Wew. Nabasag ko kasi 'yung parang mangkok na malaki na lalagyan ng pagkaen. At hindi lang basta basta 'yung presyo nun. Damn. :| Sorry po, Lord. :(