Wednesday, April 28, 2010

PHILIPPINES vs JAPAN!

Kaka timang talaga mga tao sa school. As in sobra. Naguguluhan ako. Kasi 'yung iba mabait naman samin [mga Pinoy/Pinay]. Pero meron lang talagang mga kampon ng demonyo na trip kami. Nakaka gago lang talaga. Kasi ni wala kaming ginagawa sa kanila tapos makita lang nila kami manttrip na. Lalo na sa kasama ko parati na Pinay. Yung sa'kin hindi naman ganun kalala trip nila. Trip lang nila sa'kin yung laging binabanggit pangalan ko. Inggit much? Sarap barahin e. Pero hindi ko nalang sila pinapansin. Kasi sa pagkakaalam ko kaya sila ganun, mga papansin. Kasi sa bahay nila hindi sila napapansin o napagtutuunan nang pansin. Kaya hindi ko rin alam kung maawa ba ako sa kanila o hindi. Pero nakakabastos kasi yung way nila nang pagpapa pansin e. Yung Pinoy na Second Year binabatuk batukan lang nang mga hinayupak na 'yon. Taena, subukan lang talaga nilang gawin sa'kin yun. Abangan pa nila ako sa labas ng school kasama mga grupo grupo nila. Mamatay na kung mamatay. Wala kasi silang karapatan ganunin ang mga Pinoy. Buti nalang talaga walang pasok bukas. Kasi holiday. Kumukulo tuloy dugo ko. Babarahin ko talaga sila nang English ko. Taena nila.

No comments:

Post a Comment