Haynako. Naiinis ako sa sarili ko. Ba't ganun? Talaga bang magpapaka tanga nalang ako? Fuck naman kasi oh. Kung anu ano nalang kasi pumapasok sa isip ko e. Lagi ko nalang naiisip baka ginagawa niya ay may kausap na babae sa phone or katext. Alam ko naman ginagawa niya yun e. Ang hirap lang kasi. Oo sa puntong ito. Masasabi ko na gusto ko na tapusin. Pero pag nandun nako sa point na yun. Ang hirap e. Parang mamamatay ako pag sinabi ko sa kanya yun. Tsaka aayaw din siya. Di siya papayag sa sasabihin ko. Ba't ba kasi ayaw niya pumayag? E wala rin naman akong silbe sa buhay niya. Wala naman akong nagagawa na ikakasaya niya e. Wala lang. Props lang ako. Useless lang talaga ako. Pero kahit naman useless ako, hindi naman dapat na saktan ako parati diba. Parati kaya. Tapos may sosorry. Pag pinatawad mo na ilang araw lang ang lilipas uulit nanaman. Gaguhan ba talaga? Ayoko naman ng ganon. Araw araw nalang ganito e. Ba't ba kasi di mo kaya na wala kang babae na makausap? Porket sila nagbibigay ng load mo. Alam mo, muka kang load. Ever since. Simula pa nung makilala kita. Nung kinukwento mo sakin mga 'sponsors' mo kuno. Siguro naman pwede sabihin na. Uy, wag mo na ko paloadan. Ayoko mag cp e. Kakatamad. Kahit ganon lang. Tapos pag pinaloadan ka pa din. Edi wag mo itext. Ganun lang naman kadali diba? Dito nga hindi ko ginagamit cp ko e. Kahit meron ako. Tapos ikaw? Ganyan? Anytime, anywhere pwede akong magtext sa kahit sino dito. Pero di ko ginagawa yun. Mapa chat din. May mga nag ppm sakin na di ko kilala di ko naman nirereplyan a? Ni isang letra wala akong sinasabi sa kanila. Pero ba't ikaw ganyan ka? Pano pa kaya pag nagpasukan na kayo. College ka na. MAS marami ka pang makikila jan. Ano na bang gagawin ko? Naguguluhan na ako e. Ang hirap. Di ko kaya na mag hiwalay e. Sobraaaaaaa. Huhuhuhuhu. Pero di ko na din kaya na sinasaktan ako parati. Pakatanga nalang ba? :|
No comments:
Post a Comment