


Ang pangit talaga ng araw ko ngayon sa school. As in sobrang pangit. Parang bumalik yung feeling ko nung first day, ngayon. Pano ba naman kasi, umiyak nanaman ako. Tapos buti nalang may 10 minutes break. Kaya nag CR nalang ako. Buti walang tao. Kaso pumasok nalang ako dun sa may cubicle. Kasi baka mamaya may pumasok. Kaya dun nalang ako sa cubicle umiyak ng todo. Hindi ko na talaga kaya. Nakakalungkot + Nakakabobo + Nakaka badtrip sarili ko. Kasi akala ko talaga, Monday ngayon. Kasi unang pasok sa eskwela e. After nung Golden Week. Yun pala, THURSDAY pala ngayon. Fuck talaga. Yung mga dinala kong libro pang Monday. E PE class nga lang papasukin ko pag Monday e. Edi wala akong ka gamit gamit kanina sa school. Nung English class namin nagbabasa sila dun sa English textbook. Tapos lumapit sakin yung Sensei. Pinakita ko ba sa kanya yung sarili kong schedule. Tapos tinuro ko yung Monday. Tapos sabi niya Thursday daw ngayon. Tapos parang dun lang ako natauhan. Umalis ako ng bahay na walang kaalam alam na Thursday pala ngayon. Hindi MONDAY! Ayun. Nag simula na magsi bagsakan luha ko. Kaya nung nag 10 mins, break tumakbo nako agad sa CR. Halu halo nararamdaman ko. Sobra. Nahihirapan na kasi ako. Sobrang hirap talaga. Pag binasa lang na sobrang hirap ayan, tapos na. Nabasa na. Pero sa pakiramdam ko. Sobra talaga. Grabe. Minsan naiisip ko umuwi nalang kaya ako? Tsaka natatakot din kasi ako. Baka pag balik ko jan after one year. Baka i-retain ako sa Third Year. Pakamatay ako pag ginawa yon. Kaya naguguluhan nako. Sobra. Gusto kong umuwi, kaso ayaw ko kasi gusto ko pa makasama sila Mommy pati Daddy. Kahit isang taon na diretso lang. Alam ko, matagal pa kami hindi magkakasama sama ng matagal. Kaya nilulubos lubos ko na tong panahon na nandito ako. Kaso ang problema lang yung sa school talaga e. Nahihirapan na nga ako sa mga lessons kasi hindi ko maintindihan kasi malalalim na nihonggo ginagamit. Pag English subject naman nihonggo din salita. Duh? Sige nga, pano ko maiintindihan yun? Masasayang lang isang taon ko sa High School kasi wala akong matutunan. Naguguluhan na talaga ako. Pag umuwi naman ako masasayang lahat ng mga nagastos nila Daddy sa pag-aaral ko dito. Nakaka guilty naman yon 'no. Ano ba dapat kong gawin? Hindi ko na kasi talaga kaya na mag-aral dito e. Mga bitch pa mga tao dun. Walang magawa kundi mang ijime sa mga gaijin na tulad namin. Nakaka badtrip talaga. Magiging maganda ba future nila pag nang gaganun sila ng mga gaijin? Wala naman kasing ginagawa tapos kung tratuhin mga gaijin lalo na pag pinoy parang alipin lang. Tapos lahat sila masaya tapos ako lang yung malungkot. Ang weird no? Taena. Subukan lang talaga nilang gawin sakin yun. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako iiyak sa school e. Pero bakit kanina? Umiyak ako ng sobra. Tsaka biruin mo yun, nagkulong ako sa cubicle at dun umiyak. Parang sa mga telenovela ko lang napapanuod dati yan a. Tapos ngayon, ginagawa ko na? Ano na bang nangyayari sakin? Ayokong mag transform si Yumiko na nakilala na ng karamihan bilang si Yumiko sa Pinas. Baka mag-iba ako dito. Baka maging tahimik, KJ, wala ng sense kasama. Shit talaga. Ayoko mangyari to. Gusto ko sa pinas mag-aral. Pero gusto ko dito tumira. Pwede ba yun? Sobrang hirap na e. Sobra talaga. T_______T
THINK POSITIVE, WAG KANG AAYAW! ;)
Gambatte, 由美子!
Onting tiis na lang. Ibabalik ka namin sa dati :)
ReplyDeleteMatagal pa. Tagal pa ng isang taon. Sana nga, bumalik ako sa dati. :|
ReplyDelete