Friday, May 7, 2010

Wake Up Call.

8:30am. Pinipilit ako ni Daddy na gumising. Hinawi niya yung curtain kaya yung sikat ng araw swakto sa pagmumuka ko. Tinakip ko sa mukha ko yung kumot ko pati yung comforter. Pero hinihila ni Daddy. Badtrip na ewan. As in antok na antok pa ako nun. Ang sarap sarap ng tulog ko. Lamig pa nun. Gusto ko pang matulog. Pero ang kulit talaga ni Daddy e. Lahat na ng pang kukulit ginawa na niya. Sumigaw tsaka bumangon nako. Kasi ang harot. Nakaka-irita. Ngayon na nga lang ako pwede gumising ng tanghali e. Naudlot pa. Huhu. Kaya bumangon nako. Para tumigil na. Naabutan kong nag Ffacebook si Mommy. Kaya humiga ako sa lap niya saglit. Tinatawanan lang ako ni Daddy. Kulit talaga. GV siya ngayon e. Buti nalang hindi BV. HAHA. Lakas talaga ng topak ng mga tao ngayon ano? Kaya ako ginising ng maaga kasi magpapa check up ako. Buti pa dito. Iba talaga pag kasama mo magulang mo. Ibang iba pag lolo't lola kasama mo. Pero kahit ganun, namimiss ko din sila kahit papano. Pero mas gusto ko talaga manirahan dito.


Kagabi, nag yakapan kami ni Mommy sa kama tapos nag-uusap kami.
Mommy : Alam ko naman na gusto mo na umuwi sa Pinas e.
*Trip kong mag English nung magkausap kami ni Mommy. Pero tagalog nalang ilalagay ko dito. Haha! =)))
Ako : Gusto ko nga umuwi. Pero gusto ko umuwi para dun ako mag-aral. Pero ayaw ko dun tumira. Dito ko gusto tumira. Kasi nandito kayo. Para magkakasama tayo.
Mommy : Eh anong gagawin ko? Eh dun ka masaya diba? Tsaka para may tatao na sa bahay natin sa Pinas.
Ako : Eh lagi naman akong inaaway ni Mama e. Sakin niya binubuhos galit niya pag galit siya. Tulad nun, sinarado ko lang yung pinto. Nagdabog na daw ako. Sinasabihan pa ako ng walang hiya, walang modo, mga walang pinag-aaralan. Kung anu ano pa. =))
*No comment na si Mommy. END of the conversation.


No comments:

Post a Comment