Unfortunately, nag dedecide padin ako. Hindi ko na talaga alam. As in. Yung tipong mababaliw na talaga ako sa kaka isip ng tamang desisyon. Ayoko naman kasi na magsisi ako sa huli e. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko ngayon. Para sa kinabukasan ko yung pinag dedesisyunan ko. At sobrang hirap talaga. Kaya iyak nako ng iyak kay Mommy. Kasi gulong gulo na'ko.
- First: Kaya dito ako nag-aral ng isang taon para magiging Tanaka na apiledo ko. Tapos magiging Japanese Citizen na ako. Pero pwede naman daw maging dalawa yung Citizenship ko. Pag Japanese Citizen ka, magkakaroon ka na din ng passport ng Japan. Edi magiging dalawa na passport ko. Pang Pilipinas tsaka pang Japan. At pag Japanese Citizen na ako. Kahit saang sulok ng mundo pwede ako pumunta. Kasi hindi na kailangang kumuha pa ng Visa para makapunta sa bansa na gusto kong puntahan. For example gusto kong pumunta ng America. Kukuha nalang ako ng ticket sa eroplano and then, BYE! Hello America na ako kagad. Ganun lang kadali. E pag hindi ako Japanese Citizen it will take too much time para makapunta ako sa bansa na gusto ko. Kasi kukuha pako ng Visa and everything. Edi madali lang ako makahanp ng magandang trabaho pag malaki na ako. At tsaka kaya nag dadalawang-isip ako na dito mag stay kasi, eto na nga o. Nag-aaral na ako dito. Syempre madami ng nagastos sila Daddy para sa pag-aaral ko dito. Yung uniform sobrang ginto ng mga presyo na yon. Lahat lahat. Sobrang dami talagang nagastos. Kaya nasasayangan ako pag uuwi ako sa pinas. Alam mo yung feeling na ganun? Nakokonsensya ka kasi nag gastos gastos pa ng napaka laki tapos mapupunta lang sa wala. Pag naiisip ko yun, it always making me cry.
- Second: Kaya gusto ko na bumalik sa pinas. Gusto kong bumalik dun para mag-aral. Dun ko talaga gusto mag-aral. Kasi dalawang taon nalang college na ako. Syempre pag third year dun na sineseminar mga estudyante kung anong course ang dapat mong kuhanin. Tsaka para makapag prepare para sa future ko. Onting taon nalang kasi oh. :| Pag dito ako sa Japan nag-aral ng isang taon. Malamang wala akong matututunan. Iba ang aral dito sa Japan. At iba ang aral sa Pilipinas. Kaya sobrang hirap mag-adjust. Pag balik ko ng Pilipinas Fourth Year na ako. Pero ang tanong, i-accept kaya nila ako bilang Fourth Year student? Baka ibalik nila ako sa Third Year. Magkamatayan na. Pero hinding hindi ko talaga matatanggap at tatahimik nalang na magiging Third Year ulet ako. Haaaay. Ang hirap talaga mag decide. Di ko na talaga alam. Hindi umeepek yung mga prayers ko. Ano na bang gagawin ko? Ang hirap talaga. Alam ko sa sarili ko na kaya binigay tong problema na to sakin kasi kaya ko naman tong solusyunan. Pero sa tingin ko di ko to makakayanan e.
Can you help me to decide? I'm begging. It's so fucking hard for me to decide in this young age of mine. It's for my future. It's for my family. I want my future to be awesome. Para masuklian ko naman yung mga sakripisyo at paghihirap na ginagawa ng mga magulang ko sakin. T_________T
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete