Monday, June 28, 2010

*Pingpong. =))))



Here we go again. Nagpaparamdam nanaman siya. Pero don't worry. Hindi na ako nagpapa-uto sa kanya. Just like before. Natauhan na ako. Friends lang talaga muna. Nag-promise na talaga ako sa sarili ko. Na-ayaw ko na. EVER.

Hello Kateeeeee! :>

Welcome sa Inazawa Nishi Chu Gakkou! :D


Sobrang saya talaga namin ni Mae kasi may Pinoy nanaman kaming makakasama. Ang boring lang kasi. Kasi kaming dalawa lang parating magkasama. Si Kaye kasi mga kaibigan niyang hapon lagi niyang kasama. Kaya kami lang ni Mae parati magkasama. At ngayon nadagdagan kami. Hahahaha. Buti nalang talaga marunong siyang mag-tagalog. And she's pretty and sexy. Hahahahahaha! Half pinoy half japanese kasi siya e. =))) Ambaet pa niya. Sana maging close talaga kami ng todo. Feel ko magiging super close si Mommy tsaka si Tita Eri. Yung mommy ni Kate. Hahahaha. Pumunta kami sa bahay nila Kate kanina. After school. Sinamahan namin si Kate kasi hindi pa niya alam kung pano pauwi sa kanila. Kaya sinamahan na namin ni Mae. Tapos pinatuloy kami sa bahay nila. Ayun. Usap usap muna with her mom. Hahahaha. =))))))

Sunday, June 27, 2010

B9 ng buhay ko.. :)



JOHN RENZ O. DARJUAN! aka B9.

Hahahahahaha. Sobrang haba ng usapan namin ni Renz. At hindi ako na inip na I-chat siya. Talagang nag webcam pa siya sakin para ipakita na naka brace na talaga siya. Hahahaha. Nakakatuwang isipin. Lalake ipapakita ang brace sa harapan ng camera. Ganyan kabait si Renz! Isa yan sa mga maasahang lalakeng kaibigan ko. Mahal na mahal ko yan. Kahit pineklatan niya yung kamay ko. Hahahahhaa. Sa pagiging 2 years naming magkaklase naging mabait, makulit, masayang kaibigan si Renz sakin. Kaya hinding hindi ko makakalimutan at hinding hindi magbabago ang turing ko sa kanya. Kamiss talaga si B9. Mga harutan times namin. Memories nga naman. Ang saya ko nung nakita ko siya sa cam tapos ang wide ng smile niya. Hahahahaha. Tapos nandun pa sa tabi niya yung kasambahay nila. Ohaaa. :>

W-O-W! =))))))

Salamat sa pag-like mo ng pic ko. May shota ka na pala. Congrats mehn! Hahahahaha.


Nag PM si Idol. =))))


*I D O L
dapat i2 profile pic mo...
http://www.facebook.com/photo.php?pid=1020807&id=1664685748


Me
Ngek. Muka kaya akong naka drugs diyan. Hahaha.


*I D O L
Drugs?! di ah.. grabe k nmn
ganda nga e


Me
Hahahaha. Totoo kaya.
Yan na. Primary ko na.
Putol nga lang. =))


*I D O L
haha
ok lng
style yun..

pde mo nmn aucn yan e


Me
Sure ka maganda yan? =))


*I D O L
uu naman..
100%


Me
Pano ko maayos?
Di ako marunong. =))


*I D O L
hmm
punta ka sa "profile page"
then sa picture mo click mo may nakalagay "change picture"
click mo yun.


Me
Tapos?


*I D O L
then.."Edit Thumbnail"
ayun

10:26pmMe
Tapos?


*I D O L
drag mo lng ung image


Me
Neeeeeeeeeeeep! IDOL! \mmm/
Salamat Idol. =)))


*I D O L
aun ganda ng thumbnail
hehe
welcome


Me
Haha! Ngayon ko lang nalaman yun.
Hindi naman ako nag kakalikot e, =))


*I D O L
haha!
ako din kelan lng..aksidente lng kaya
:))



Oror. Ano naman kinaganda ng pic ko na yun? Mata ko lang maganda. Yun lang at wala ng iba. Hahahahahaha! At kasalukyang primary pic ko na siya. Sawa na din kasi ako sa dati kong primary.

Credits to my one and only *I D O L! \mmmm/

Saturday, June 26, 2010

Today's dinner. :-bd






YAKINIKU! :>
Sobrang busog. Minsan lang kami mag ganito. Hahahaha. =))) Ang sarap e. Lalo na yung sauce. Ginagawa kong sabaw e. Higop ako ng higop. Kanin tsaka yung sauce pwede na. =))) Wahahahaha! At take note! Naka isang mangkok lang ako ng kanin. Wahahahaha! Tapos Green Tea yung inumin ko. Iwas nako sa mga juice. Para hindi lalo tumaba! Bwahahahaha! =)))))))

Ayan, kita na si Left eye. :>



Hello mga sinampay sa likod ko. Hahahaha. Umuulan kasi kaya pinasok ang mga sinampay. Ayan na ang kinalabasan ng ineksperimento ng aking ina sa aking buhok. Hahahaha. Kita na si left eye parati. Ayii! :>

I hate myself..

I hate myself. You know why? It's all because of YOU. Kasi kahit anong gawin ko, may feelings padin ako para sayo. Kaya naiinis ako sa sarili ko kung bakit ang hirap na kalimutan ka. Kahit pilitin ko na kalimutan ka, wala pading epekto. T_____T Damn it. Ba't ba kasi ang dali dali kong ma-fall sa mga boys? Ayoko na talaga. Masakit kasi. MASAKIT.

Friday, June 25, 2010

PAST 8PM...

Hell yeaaaaaah. Wala pang dumadating dito sa bahay. Oo, si Nika umuwi na. Kaso nakatulog ako habang nanunuod ako ng Smile You dito sa laptop. Tapos narinig ko tumawag si Mommy sa cellphone. Tapos lumabas si Nika. Tapos ayun. Hindi na bumalik. For sure sinama ni Mommy si Nika sa lakad ng mga kasama niya sa trabaho. Si Daddy naman hindi pa din umuuwi. First time ko lang mangyari sakin 'to. Hindi naman nakakatakot e. Ang saya nga e. Kasi ang tahimik. PEACE. Oha. Hahahaha.

But then, nag pm si Ate Anne sa FB ko.

"Anne
miko
bkt mo cnabing galit c ate kate
ano ba yan

8:09pmMe
ate anne!

8:09pmAnne
skin naman sya nagagalit ngaun

8:10pmMe
e halata naman no
bakit?

8:10pmAnne
anong halata naman?

8:10pmMe
bff kayo diba. =))

8:10pmAnne
ayan ngagalit sakin

8:10pmMe
lagi naman kayo nagaaway e
hahahaha

8:10pmAnne
sinabihan tuloy ako ng walang kwenta
ewan

8:10pmMe
o sige lahat na kayo magalit samin dito.
goooooooo.

8:10pmAnne
di naman ako nagagalit
duh
cnasabi ko lng."


Medyo na pissed off ako. Lahat nalang sila nagagalit samin dito. Lalo na kay Mommy. Yan si Ate Kate. Galit na galit [samin?] Errr, ewan ko ba. Kung bakit nasama ako. Ang weird. Wala naman akong ginagawa e. Grabe. Ang liit liit na nga lang ng pamilya namin ganyan pa sila. Wala talaga kwenta. Tapos ang liit liit pa ng bagay pinapalaki. Gahd, ang ang immature padin talaga nila. Nakaka-irita talaga. Lahat na talaga sila magalit samin dito. Puta, nakaka-gago na talaga. Sobra. Sagad sagaran na talaga inis ko sa kanila. Leche. Wala talaga akong kakampi pag nasa Pinas ako.

Laging may Family Problem between sa pamilya nila Ate Kate tsaka samin. Including my grandma. Hay nako. Ayoko na sila isipin. Tangina talaga.

Thursday, June 24, 2010

LINTEK YAN. =))))))

FUCK NAMAN. BAKIT BA KASI GANITO?

TINATAMAD AKONG MAG-REVIEW. =)))))))
Bukas na 'yung test sa English. Nakakatamad talaga mag review. Sana maya maya sipagin na ako. =)))))

Wednesday, June 23, 2010

MEMORABLE DAY EVER! OWVEEEEER!






JUNE 23, 2010!



Hindi ko alam kung magiging masya ako o hindi. Pero overall.. MASAYA AKO! MASAYANG MASAYA! :""""""""">


Papasok na ako sa school. Umuulan. Medyo katamtaman palang 'yung lakas ng ulan. Nung medyo malayo layo na'ko lumakas 'yung ulan. As in ang lakas. Basang basa na ako. Hindi lang ako ha. Lahat kaming naglalagay na tiga-Nishichu basang basa. Mukha kaming mga basang sisiw. Tapos 'yung sapatos ko tsaka 'yung medyas naglalaban. Gaaahd. Naglalaban kasi 'yung tubig. Feeling ko may tae na napakalambot sa loob ng sapatos ko. Leche talaga. Bagyo na 'yung ulan kanina e. Yung palda, sapatos, medyas, BAG, lower part ng blouse basang basa. Lahat kami. As in! Kaya naging ganyan mga libro't gamit ko. Nakakaawa 'yung Eclipse ko na libro e. Mapupunit na 'yung cover page e. Nilagyan ko lang ng scotch tape. Fuck. T_______T Habang naglalakad ako papasok at napaka lakas ng ulan kinakausap ko sarili ko. Sinasabi ko pa, Mommy! Tulungan mo ko! Ayoko na. Uuwi na ako sa bahay. Ayoko pumasok ng ganito. Yung buhok ko basang basa. Para ngang wala akong payong e. @-) Anlakas talaga ng ulan. Pati hangin ang lakas din. Andami ngang nagsihulugan e. WatdaHELL! Tapos pag ganito sa Pinas suspended na 'yung klase. Partida naka service o kaya sasakay ng jeep mga estudyante. E dito, lakad tsaka bike. Karamihan naglalakad. Tapos ganun kalakas 'yung ulan. Napakalakas talaga. Sobra. No joke. Desperado sila dito e. Umaraw man o bumagyo aral padin! Periodical Test kasi ngayon e. Dapat uuwi kami ni Kaye tsaka ni Mae e. Kaso test nga. Hahahaha! Nung nagkita kita na kami sa may stoplight tawanan kami sa mga itsura namin e. Basang basa tapos basaan pa kami sa ulan. Kaya tawa kami ng tawa. E syempre pagdating sa tawanan ako pinakamalakas tumawa. Kaya nagtitinginan mga hapon samin. Hahahahaha! Kakatawa talaga. Edi pag pasok namin sa school nagpalit na kami nung sapatos panloob. Tinanggal ko na 'yung sapatos ko. Sobrang basa. Piniga ko, para akong naglaba ng medyas sa sobrang daming tubig. Wew! Kaya magdamag ako sa school na walang medyas at nakasapatos. =))))) Madami dami naman kaming naka ganun e. As in pagpasok sa school lahat basa. Lahat talaga. Mga buhok naming lahat puro basa e. Nakakatawang tignan. At first time lang talaga nangyari sa'kin 'to. SA BUONG BUHAY KO. SA BUONG 14 YEARS NG BUHAY KO!!! Kaya hinding hindi ko talaga 'to makakalimutan. =))))))


At eto pa, kaya ako masaya at hindi makakalimutan ang araw na ito. Kasi...
PINANSIN AKO NI AIKI! At siya pa 'yung unang lumapit sa'kin ha. Para ipakita sa'kin 'yung drawing niya. Tapos nakatitig lang ako sa kanya nung oras na 'yun. Putaaaaaaaaa! Ang gwapo niya talaga. Ba't ganun! Ayoko na nga siya maging crush pero siya 'tong lumapit sa'kin! Fuck talaga o! Kilig na kilig talaga ako nun e! Pinigilan ko lang kasi malamang mahahalata niya. As in sa'kin siya lumapit. Magkaharap kaming dalawa. Putek talaga! Wew. Tumaas 'yung dugo ko nun sa sobrang kilig. HAHAHAHAHAHAHA! Ang landi ko talaga. Okay lang 'yan. Wala namang nakaka-alam e. Tsaka minsan lang ako lumandi. Pag bigyan ninyo nalang me. :> Waaaaaa. Grabe. Fumaflash-back parin talaga sa utak ko yung saktong pangyayari. Sabi pa niya "Mite, mite." ;) With smile talaga! Promise! Ba't kaya siya lumapit sa'kin? :"""""""""> HINDI KO TALAGA MAKAKALIMUTAN YUN. Magkalapit lang kami e. Sa pagkaka-alam ko kasi, hanggang pangarap nalang na kausapin niya ko. Pero eto.. nangyari! HAHAHAHAHAHAHA! Kung sinuswerte ka nga naman o. :>


HINDING HINDI KO TALAGA MAKAKALIMUTAN TONG ARAW NA TO! MEMORIES DIN ITO HA. MEMORIES HABANG NANDITO AKO SA JAPAN. SANA GANITO NALANG PARATI. YUNG MEMORIES PURO MAGAGANDA. HINDI PURO MALULUNGKOT.

I'm so greaaaaaaaat! HAHAHAHAHAHA! >:)


Yan na ang pruweba na talagang I don't like him ANYMORE! Okayy? :> After kong gawin 'yan. Sobrang luwag ng pakiramdam ko at super saya ko. Kasi talagang hindi na'ko BALIW sa kanya. Alright! Wala lang. Ang saya ko. Ginawa ko na 'yan para hindi na makita ni Mommy. Delikado pa. Ba't ko pa itatago yan. E wala rin namang kwenta sa buhay ko 'yan. Ipapahamak lang ako. Kaya pinunet ko nalang. Dapat pupunitin ko ng pinong pino e. Kaso masakit na kamay ko kakapunit. Hahahaha!


IM SO GREAT TALAGA!!! =)))))))

Tuesday, June 22, 2010

4th week of June for me is sooo really fast!

E kasi naman. Wednesday hanggang Friday, test namin. Yuuuuh, NAMIN. Saling kitkit lang ako. Art tsaka English lang i-tatake kong test. Pucha. Huling huli na'ko sa Math. Hindi ko maintindihan Math dito. Pano kaya pag-uwi ko? Fuck talaga. Bahala na, pagbalik ko ng Pinas. T_________T So ayun, 3 subjects in one day. Periodical Test na 'yun dito. Kasi lahat na ng subjects i-tetest e. Kaya after ng 3rd subject na i-tetest, kakain ng Lunch. Tapos uwian na. Yeheeeeeeey! Maaga ako makakauwi. Kaya mabilis lang ang 4th week ng June para sa'kin. Bwahahahaha! >:) Yung Art bukas na. Hindi pa naman ako marunong mag DRAWING! Wala talaga akong talent diyan. Whewwwwww. Bahala na si Yumiko bukas! =))))))) Yung English naman sa Friday. 1st subject. :| Kinakabahan ako para dun. Hu-hu! BAHALA NA TALAGA. Rawrrrrr.



Basta, wala munang LOVE LOVE na yan. Past is past okay. Hindi ko na babalikan ang past. Kasi kaya nga sila naging past kasi hindi sila yung talagang naka tadhana sa'kin okayyy. Tsaka I'm so young for that matter. Masasabi kong hindi pa talaga ako na-inlove [?] Kasi one time sinabi sa'kin ni Mommy kapag nagmahal ka daw, lahat ibibigay mo. As in LAHAAAAAAAAAAT! Yung tipong gagawin mo lahat para LANG sa kanya. E di pa naman nangyayari sa'kin yun. Ewan ko ba. Basta ayoko talaga muna. Leche. Puro sakit lang pinaparanas sa'kin. AYOKO NA TALAGA MAGING TANGA. Na okay lang kahit alam kong meron siya iba. Taenang 'yan. Gago talaga ako eno. Pero.. Magpapakatino na si Yumiko Andrea Policarpio Macayan Tanaka. Amen! :> HABANG NANDITO AKO SA JAPAN, MAGTITINO TALAGA AKO ANO. Pag-uwi lang ng Pinas.. Hahahahahhaa! Joke. Dapat talaga magtino na'ko. Malapit na'ko mag college. Gaaaaaaahd. Para na'to sa future ko. Kaya seseryosohin na dapat tong mga bagay na'to. Para naman ako na yung mag-aalala kina Mommy't Daddy. Para matupad ko na yung mga pangarap namin na pumunta sa London. :D BASTA MIKO, WAG KA MUNA MAINLAB OKAY! Yung crush okay lang. YAMADA RYOSUKE e. You're so malakas to me e. Kaya hindi kita ipagpapalit! :""""""> Pero yung love talaga. No way, dude. :-j

GVGVGVGVGVGVGV! GOOD VIBES FOR YUMIKOCHANG! \:D/

Monday, June 21, 2010

The person who always make me kilig. :">



Hey yow, Yamada Ryosuke. Why so hot? =))))))) 3 years na kitang crush. Kung alam mo lang! Kaso nung umuwi ako ng Pinas tinigil ko muna magkaron ng crush sayo. Kasi nababaliw na'ko sayo. Seryoso talaga. Hahahahahaha! Ngayon, ayokong maulit yun. Kasi di talaga ako makatulog tsaka kilig na kilig ako. Leche. Hahahahahahahahaha!

Takte, ang gwapo talaga e. Galing pa kumanta tsaka sumayaw. Isang taon lang tanda mo sakin! Wahahahahahaha! >:) Sinearch ko talaga siya sa Youtube. Tapos nakita ko yung ginugulo ng mga friends niya siya habang natutulog siya. Okay! Print Screen! Fuck! Ang cute plus gwapo muka tuloy akong stalker pero wala akong pakialam! Hahahahaha. Ba't ba. Siya na nga lang nagpapakilig sakin e. :> Ang tagal ko na rin pala siyang crush. Haaaaay buhay parang life. Lolsss. =)))

YAMADA RYOSUKE RULES MEHN! :"""">

すきだよ! >:D< :*

SCHOOL SUCKS.

Kakaiba 'tong araw na 'to. Sobrang BV. Shit talaga. Sunod sunod na kamalasan e. Yung 5th subject ko, nasa CR nanaman ako. Dun ako natuloy. Ikaw nalang mag-imagine kung pano ako nakatulog sa CR. Nuknukan kasi ng TAMAD yung Adviser ko. E siya yung Teacher ko sa Nihonggo. Pang 5th subject. So hindi niya ko sinipot. Punyeta talaga. Asar na asar na'ko nun e. Ang tamad talaga! Tinanong na ni Mae yung teacher na yun kung may Nihonggo class kami. Wakaranai daw. Leche siya. As in samu't saring mura na nasabi ko ngayong araw. Sorry Lord! :( 'Di ko na talaga napigilan. Sobrang gigel at asar na kasi ako. Magkulong ba naman ako sa CR ng 50 minutes! Kamusta naman? E schedule Nihonggo class nga di sisipot. PARANG TANGA LANG! Fuck youuuuuuuu! Sobrang sama talaga ng tingin ko sa kanya nung bumalik na'ko ng classroom e. Tapos bago kami mag-uwian may binigay siya na papel. Gagawa kami ng slogan. Ibibigay sa kanya yung papel tapos pwede ng umalis. 'Di ako nagbigay. Sabi ko sa isip ko slogan mo muka mo. Leche ka. You made my day bad and ruined. Kaya umuwi na'ko.

And guess what. Sobrang init. Pinapawisan na'ko. Shit talaga. Ambilis ng lakad ko kasi gusto ko ng umuwi. Asar na asar ako e. Pag-uwi ko ng bahay. Naabutan kong napaka-kalat ng bahay. Tapos yung mga hugasin napakarami. Hindi pa hinugasan ni Nika yung mga plato. E konti lang naman. Kayang kaya naman niya yun. Ano siya sanggol? Lahat nalang ako. Sabi ko bakit hindi niya hinugasan. Wala naman daw sinabi si Mommy sa kanya. So, kailangan pa palang sabihin? Walang kusa. Bullsht nga naman. Edi hinugasan ko na. Tapos hindi pa nakababad yung saingan. Edi hinugasan ko pa yung saingan tsaka nag saing ako. Pagod na pagod talaga ako. As in. Tapos kukuha pa ako ng tubig sa supermarket. Nyetaaaa. Edi nag bike ako. Nung nasa kalagitnaan ako ng daan napalakas pedal ko kasi nagmamadali ako yung stoplight kasi. Tsaka asar na rin. Kasi nga pagod na pagod na ako. Nakayod yung likod ng paa ko. As in kayod talaga. Dugo dugo e. Tapos nabalatan. Kadiri talaga tignan. Tsaka super sakit at hapdi. Napa sigaw talaga ako ng PTNGINA e. Umiyak nako. Pagod na pagod tsaka ang sakit kaya. 'Di ko ma pedal yung pedalan kasi di ko maangat yung paa ko. Grabe. Sobrang BV talaga.


BUTI NALANG HINDI NA AKO BV NGAYON. THANK YOU LORD!

Sunday, June 20, 2010

I miss Aguinaldo!

Bago ako magsabi ng kung anu ano. Nakakainis! Kasi bakit hindi na pwede i align left, right 'to. BVBVBVBVBV! Errrrr. Anyways. GV na dapat ako. :D


Habang binuksan ko ang aking Facebook, nagulat ako kasi ang dami kong NOTIFICATIONS. Kasi dahil dun sa Class Picture namin nung Second Year. Ginawang chatbox ng mga boys. Tapos nag comment si Ms. Magno. Sabi niya. "Miss you all aguis...miss d ol days!! wala na ko masyado nasasaway!....di ako sanay!!! julius....rowan....zena...hehe! chikadorang girls and dota boys!...wer r u? =D" Ayun lang. Kahit pala sasabog na lalamunan ni Ms. Magno pag pinagagalitan ang Agui nammiss niya parin kami. Ang sarap isipin. Hahahaha. Wala lang. Kamiss talaga Agui. :(

Saturday, June 19, 2010

Smile You. :)



Habang nag y-youtube ako. Naisip kong i-search yung OST ng Smile You. Tapos hanggang sa mapadpad ako nung kumanta si Lee Min Jung pati si Jung Kyung Ho ng Way Back Into Love. Kinikilig ako na na-eelibs sa kanila. Kasi English yung kantang yun e. Tapos nakanta tsaka na pronounce nila ng maayos. Yeaaaa! :-bd Ang galing nila. Kaya nga kilig na kilig ako e. Andun talaga yung chemistry nila bilang loveteam. :"> Tapos nung tapos ko ng panuurin napadpad ako sa "sweet cuts in Smile You" Nandun yung kung ano mangyayari hanggang sa huli. Nabuntis pala si Lee Min Jung [Seo Jung In]. Tapos habang pinagbubuntis ni Jung In yung anak nila ni Hyun Soo sinasayawan ni Hyun Soo si Jung In. Ang cute cute. Hahahaha! Tapos yung sa huli ng video 3 bata na yung kasama sa pamilya nila. Yung isa anak ni Jung In tsaka Hyun Soo. Yung isa anak ata nung Oppa [Kuya] ni Jung In. Yung isang bata di ko lang a? Baka anak nung Unni [Ate] ni Jung In. Hula ko lang. Hahahaha. 'Di pa kasi ako tapos sa Smile You. Episode 26 palang ako. E episode 45 yun. Then naiyak ako kasi ang saya na nila. Nung buong pamilya. Awwww. :"> >:D<


SYNOPSIS:
Seo Jung In is the second daughter of a chaebol family, whose family suddenly meets with financial ruin. She is dumped by her husband, Lee Han Se, after their wedding ceremony when his family finds out about her family's financial problems. Her family is then left with no other alternative but to move in with their longtime chauffeur's family. The once rich and spoiled daughter and her family must now learn how to adjust to life as commoners in the Kang household.

~Mas maganda pag ikaw mismo ang manuod ng Smile You. For sure 'di ka magsisisi. Tsaka pag naumpisahan mo ng panuurin yun sasabihin mo sa sarili mo dapat matapos ko to! Ang ganda kasi ng kwento e. Promise. Sobrang love ko talaga Smile You! :>

Bureng ba. L-)

Eek. Wala akong magawa. Kaya nag edit edit nalang ako. Sabi ni Mommy kamukha ko daw dito si Alessandra De Rossi. Wow naman. Asa naman ako ano. Ang ganda ganda nun. =)))))) Sobrang love ko yung mata ko dito. Hahaha. Pa-bida kasi e. :> Parang gusto kong i-primary kaso.. AMBABOY ng itsura ko dito. Hahahaha. Kaya fangwet. =)) Yuh. That's all. Wala na me masabi about this photo. :D



ゆみこちゃんですははは!;)

Wednesday, June 16, 2010

Music Test.

Sobrang kabang kaba talaga ako. Kasi dun kami sa harap kakanta, tapos mag ppiano si Sensei. Sabay kanta. 2 tao yung kakanta. Buti hindi isa isa. Wew! Babae tsaka Lalaki. Si Hara Kun yung partner ko. Yung sa part 1 lang alam ko. Part 1 tsaka part 3 kasi yung kakantahin. E yung part 1 lang minemorize ko. Hindi ko alam na pati yung part 3 kakantahin. Edi lipsync nalang ako nung nasa part 3 na. Pero yung bandang huli nung part 3 alam ko lyrics. Kaya yun. Antaas e. Hahahahaha.

Eto yung part 1.

はるのうららのすうみだがわ
Harunouraranosuumidagawa
のぶりくだりのふなびとが
Noburikudarinohunabitoga
かいのしずくもはなとちる
Kainoshizukumohanatochiru
ながめをなににたとうべきー
Nagamewonaninitatoubeki

Pakinggan mo. ;) HAHA!

Kabisado ko padin hanggang ngayon. Hahahaha! =)))
~ Naging okay naman yung kinalabasan. Haha. Nakaka-kaba talaga. Wew. :D

Monday, June 14, 2010

Cutting Class.

HAHAHAHAHAHAHAHA! Yeeeeeeeeh! It's my super duper mega ultra first time na mag cutting [?]. =))))))) Ewan ko kung cutting tawag dun. Pero for me, cutting na ang tawag dun. =)))) 'Di ba pag nag ccutting 'di ba dapat masaya ka pag nag cutting ka? Takte, e yung sakin kulang nalang mawala ako sa sarili ko e. Nakaka-praning. Kala mo nasa Mental Hospital ako. O kaya sa bartolina. Yung magisa ka lang. Yung tipong wala kang magagawa kahit ano. Hello?! Freedom, FREEDOOOOOOOOM! =))))) Ano 'yun? Naka-kulong bako? E ako naman tong nag-prisenta sa sarili ko na mag-kulong dun sa CR. Heh, bitch talga ako. >:)

Ganito kasi yun. Pang 5th subject kasi, Nihonggo class ako. Yung dun sa isang classroom. Tapos ako tsaka yung teacher lang sa classroom. Mag-aaral kami ng kanji whatsoever. E yung teacher ko sa pang 5th subject, yung adviser ko. Na tamad na tamad akong turuan. E gustong gusto ko pa naman matuto. L-) Edi ayun. Nakaupo ako sa sahig. Sa may corridor, nagbabasa ako ng libro [Eclipse] Sabay narinig ko boses nung adviser ko. May kausap. Tapos nakita na nga ako di ako pinansin. Umakyat dun sa hagdanan. Putek. Kasama niya si Aiki. Ang kauna unahang nakuha ang atensyon ko. Loljk. Itsura lang talaga gusto ko kay Aiki. Ayaw ko sa ugali niya. Sobrang ayaw. Ayun. Umakyat sila sa classroom ni Aiki para kunin yung bag. Pag baba nila tinawag ako ni Yashita Sensei, yung adviser ko. Sabi niya umakyat daw ako sa classroom namin. Magbasa nalang daw ako ng libro. Pwede naman daw yun. Math subject daw mga kaklase ko dun sa taas. E mga 20 mins na sila nagsimula magklase. Nakakahiya naman pumasok dun. Tsaka magtitinginan mga kaklase ko. Kasi bakit ako late ganun ganito. Kaya ang naisip ko, magkulong sa CR ng kabilang building para walang tao na papasok. As in nasa cubicle lang talaga ako. Nakaupo. :( Ang lamig lamig pa naman. =))))) Grabe. 30 minutes straight akong nandun at nakaupo. Wala akong magawa kundi mag-isip ng mag-isip.

Kasi bago mag-simula yung 5th subject magkasama kami ni Mae, sabi niya itago ko daw iPhone niya. Tapos sabi ko ayaw ko. Kasi natatakot ako. Baka kasi makuha sakin. Ganun ganun. Kaya sabi niya o sige.. Sayang! Sana ako nalang yung nagtago para habang nandun ako, nagkukulong nag I-internet ako. Tss. Sayang talaga. Hinayang na hinayang talaga ako habang andun sa cubicle. Takot na takot ako kasi baka mamaya may pumasok na teacher o kung sino man baka mahuli ako. =)))) Edi yumuko ako, yung ginagawa pag natutulog sa desk. Nakayakap ako sa legs ko. Tapos habang nakapikit ako, na-iimagine ko yung sa The Grudge. Yung buhok ni Sadako mula sa kisame tapos papunta dun sa leeg nung tao. Kaya nabubukas ko mata ko sabay tingin sa paligid ko. Wahahahaha! Baka kasi mamaya may ganun nga. Nakakatakot! Hindi pa naman masyado nagagamit yung CR na tinaguan ko. Kaya ayun. Buti nakayanan ko magkulong ng mag-isa dun. =)))))) Inip na inip talaga ako nung mga oras na yun. Parang sasabog na talaga ulo ko. @-) Inaantay ko yung bell. Yuyuko na sana ako parang pumikit. Sabay nag ten-ten-ten-ten. Yeeeeeeeeh! Bell na. Labas agad ako e. =))))

カラオケ! \mmmmmm/





June 12, 2010.

7pm - 11pm. Saya e. \mmm/ Karaoke to the max! Wala ng hiya hiya. Wahahahaha! Ang dami kong nakanta. Ako pinaka-maraming nakanta sa kanilang lahat. Wuahahaha! Saya e. Tapos andami pang mga gwapo dun. Ang dadaling pa mag laro ng drum mania. Tapos yung parang o2jam na pinipindot. May ganun sa Timezone e. Nakalimutan ko lang kung ano tawag dun. Basta yun. Grabe. Sobrang dami talagang mga gwapo. Napapa-sheeeet ako sa utak ko e. =)))) Lalo na nung pauwi na kami. 11pm na yun e. Tapos dumami mga gwapo. Sobra. Mga college na yun. Kaya matatanda na. Hahahahaha! Gaganda pa pumorma. Okay, dagdag point. Lol. =)))))

ADVEEEEEEEEEEEEEEENT! Para sayo yan. Talagang kinanta ko yung Dani California. Tapos sabi ko kay Mommy. Videohan niya ko. Kasi gusto ko i-post dito sa blog ko. Ayaw ko nga i-post tong video ko sa FB. Kahiya. :| =))))) Sabi pa ni Mommy, para kanino yan? Kay Adveeeent! :D Ajeje! Imisyoooou, HB! >:D<>

Friday, June 11, 2010

Witwew. =)))))

Grabe talaga, nung umiayk si Ishihara Sensei [石原先生] samin. 'Di pa siya teacher. Yung nag ppractice palang maging teacher. 2 weeks siya nasa 3-1. Napapaiyak na din kaming lahat e. As in hagulgol iyak niya. Mamimiss ko siya kahit papaano. Grabe, di talaga ako makapaniwala na mamimiss ko siya. At mamimiss ko ang 3-1 pag umuwi na ko sa Pinas. Ngayon palang na-realize ko na napamahal na sila sakin. Kahit di nila ako gano nakakausap. Pero alam ko gusto nila ako kausapin, pero di nila ako makausap kasi di pako ganun karunong mag Nihonggo. I feel sorry for them kasi napasama pako 3-1. Sana naman wag dumating sa punto na iiyak ako pag gradutaion namin. Pero feeling ko iiyak ako, kasi iiyak sila for sure. Kasi hiwa hiwalay na sila pag nag CoCosei na sila. Edi ayun. Wew. Habang naglalakad ako pauwi tinatanong ko sarili ko. Nagmumuka nakong tanga kasi kinakausap ko sarili ko. Hahahahaha. =)))) Swerte nako kasi napunta ako sa section 1. LAHAT kasi mababait. Mapa babae o lalaki. Si Yukimura, mabait naman yun e. Maharot lang tsaka PAPANSIN. Kaya ganun. Pero mabait siya [kahit papaano]. Kaya okay nako sa section ko ngayon. Masahol kasi sa ibang section. Lalo na sa sections 4,5,6. Lahat na ng mga dalubhasa sa pang bubully nandun. Kaya sobrang thankful talaga ako kasi dun ako nilagay. At least ngayon sa classroom, nakakatawa nako dun. :> Ngayon, masasabi ko na talaga na stable, nakapag-adjust at okay na okay ako dito. Sa school. :) 'Tong pagtitiis ko ng one year, kapalit naman neto magagamit ko PANGHABAMBUHAY. At super eggcited nako sa kapalit na yun. Masaya na ako dito. Sa wakas. :D

Sunday, June 6, 2010

Nawawala ako eh.

Nakaka-inis. Sa tuwing mag lolog-in na ako dito sa BS nawawala na yung mga dapat kong ilagay dito. Pero sa tuwing wala akong magawa, ang dami dmai kong gustong sabihin dito. Pero pag andito na ako wala na kong masabi. Speechless ba. It's kinda weird, I know. Parang tinatamad na ako mag type ng mag type pag andito na ako e. Leche. Siguro wala lang talaga akong magawa kaya madami akong napag isip isip sa buhay ko.

Basta, magpapakaTINO na talaga ako. Promise talaga. Ayoko na. Gusto ko maging masaya. Yung di ka nakatali sa isang relasyon. Lalo na kung walang kwenta. Dumaan lang. Pssh, pwede ba. Wag ka na magparamdam sakin. Yea, hindi ko na siya nirereplyan. Lubayan mo nako. Magkalimutan nalang. Mamuhay ka sa sarili mo. Wag mo nalang ako kausapin. Para di na kita maalala. Kasi pag nag ppm ka lang sakin, na B-BV ako. Kasi nag fflashback sakin yung mga pinagsasabi saking mga walang kwenta. Nako, di ka kawalan. Natauhan nako no. Basta. Ayaw na kita maalala. Dami daming pinagsasabi di naman mga tinutupad. Walang kwenta. Sabi nga nila, most of the times promises are broken. Tama nga naman. Okay, enough for that. =)))))


Saturday, June 5, 2010

Nakaka-yamot.

Sobrang nakaka-inip na talaga mag OL. Ewan ko ba. Tinatamad akong mag OL. Pero nakakapag OL padin ako kasi eto lang yung magagawa ko dito. Kaya nanunuod nalang ako ng movies o kaya nag ssoundtrip ako dito. Basta. Nakaka-yamot talaga. Badtrip. =)))))) Ang flirt kasi e. Na-BV tuloy ako. Galing kasi mambola e. Mukang gago.

Thursday, June 3, 2010

Artwork.


So while I'm making halukay with my folders here in the pc. I saw this pic. Made by Carluz Verlex Paz Bello. While I'm taking a look on it. I'm laughing terribly. =)))))) Just look at the hair of the boy which symbolizes as him. [?] It's kinda funny that's why I can't stop laughing. Just sharing. =))))

Older Brother.


Yeaaaah. He's my older brother. Hahahahaha. Pero ayaw niya ako maging kapatid. Wahahaha. =))) Lol. Natuwa lang ako. Kaya nag print screen ako. Asaran kami e. Well, hindi ako emo 'no. Tsaka never ako magiging ganun. Though my hair looks like an emo hair. But take note, the person who's having this emo hair is not an emo. Okay? 'Di talaga mataggal ngiti sa aking mga labi habang magka chat kami. Turing ko lang sa kanya nakakatandang kapatid. Yun lang. HAHAHAHAHAHAHAHA! :"> =)))

Wednesday, June 2, 2010

Oh my gosh, I'm so inlove. :">


Waaaa. May crush na'ko sa kanya. Leche. Nakakainis. Kinikilig ako pag nakita kong OL siya lalo na pag kachat ko na siya. Talagang napapatili ako sa kilig. Gahd. Basta crush lang talaga. Wala ng hihigit pa. Promise. :> Galing mag-advice o. Hahahahaha. Paghanga lang talaga 'to. Ayiii. :">