Wednesday, June 23, 2010

MEMORABLE DAY EVER! OWVEEEEER!






JUNE 23, 2010!



Hindi ko alam kung magiging masya ako o hindi. Pero overall.. MASAYA AKO! MASAYANG MASAYA! :""""""""">


Papasok na ako sa school. Umuulan. Medyo katamtaman palang 'yung lakas ng ulan. Nung medyo malayo layo na'ko lumakas 'yung ulan. As in ang lakas. Basang basa na ako. Hindi lang ako ha. Lahat kaming naglalagay na tiga-Nishichu basang basa. Mukha kaming mga basang sisiw. Tapos 'yung sapatos ko tsaka 'yung medyas naglalaban. Gaaahd. Naglalaban kasi 'yung tubig. Feeling ko may tae na napakalambot sa loob ng sapatos ko. Leche talaga. Bagyo na 'yung ulan kanina e. Yung palda, sapatos, medyas, BAG, lower part ng blouse basang basa. Lahat kami. As in! Kaya naging ganyan mga libro't gamit ko. Nakakaawa 'yung Eclipse ko na libro e. Mapupunit na 'yung cover page e. Nilagyan ko lang ng scotch tape. Fuck. T_______T Habang naglalakad ako papasok at napaka lakas ng ulan kinakausap ko sarili ko. Sinasabi ko pa, Mommy! Tulungan mo ko! Ayoko na. Uuwi na ako sa bahay. Ayoko pumasok ng ganito. Yung buhok ko basang basa. Para ngang wala akong payong e. @-) Anlakas talaga ng ulan. Pati hangin ang lakas din. Andami ngang nagsihulugan e. WatdaHELL! Tapos pag ganito sa Pinas suspended na 'yung klase. Partida naka service o kaya sasakay ng jeep mga estudyante. E dito, lakad tsaka bike. Karamihan naglalakad. Tapos ganun kalakas 'yung ulan. Napakalakas talaga. Sobra. No joke. Desperado sila dito e. Umaraw man o bumagyo aral padin! Periodical Test kasi ngayon e. Dapat uuwi kami ni Kaye tsaka ni Mae e. Kaso test nga. Hahahaha! Nung nagkita kita na kami sa may stoplight tawanan kami sa mga itsura namin e. Basang basa tapos basaan pa kami sa ulan. Kaya tawa kami ng tawa. E syempre pagdating sa tawanan ako pinakamalakas tumawa. Kaya nagtitinginan mga hapon samin. Hahahahaha! Kakatawa talaga. Edi pag pasok namin sa school nagpalit na kami nung sapatos panloob. Tinanggal ko na 'yung sapatos ko. Sobrang basa. Piniga ko, para akong naglaba ng medyas sa sobrang daming tubig. Wew! Kaya magdamag ako sa school na walang medyas at nakasapatos. =))))) Madami dami naman kaming naka ganun e. As in pagpasok sa school lahat basa. Lahat talaga. Mga buhok naming lahat puro basa e. Nakakatawang tignan. At first time lang talaga nangyari sa'kin 'to. SA BUONG BUHAY KO. SA BUONG 14 YEARS NG BUHAY KO!!! Kaya hinding hindi ko talaga 'to makakalimutan. =))))))


At eto pa, kaya ako masaya at hindi makakalimutan ang araw na ito. Kasi...
PINANSIN AKO NI AIKI! At siya pa 'yung unang lumapit sa'kin ha. Para ipakita sa'kin 'yung drawing niya. Tapos nakatitig lang ako sa kanya nung oras na 'yun. Putaaaaaaaaa! Ang gwapo niya talaga. Ba't ganun! Ayoko na nga siya maging crush pero siya 'tong lumapit sa'kin! Fuck talaga o! Kilig na kilig talaga ako nun e! Pinigilan ko lang kasi malamang mahahalata niya. As in sa'kin siya lumapit. Magkaharap kaming dalawa. Putek talaga! Wew. Tumaas 'yung dugo ko nun sa sobrang kilig. HAHAHAHAHAHAHA! Ang landi ko talaga. Okay lang 'yan. Wala namang nakaka-alam e. Tsaka minsan lang ako lumandi. Pag bigyan ninyo nalang me. :> Waaaaaa. Grabe. Fumaflash-back parin talaga sa utak ko yung saktong pangyayari. Sabi pa niya "Mite, mite." ;) With smile talaga! Promise! Ba't kaya siya lumapit sa'kin? :"""""""""> HINDI KO TALAGA MAKAKALIMUTAN YUN. Magkalapit lang kami e. Sa pagkaka-alam ko kasi, hanggang pangarap nalang na kausapin niya ko. Pero eto.. nangyari! HAHAHAHAHAHAHA! Kung sinuswerte ka nga naman o. :>


HINDING HINDI KO TALAGA MAKAKALIMUTAN TONG ARAW NA TO! MEMORIES DIN ITO HA. MEMORIES HABANG NANDITO AKO SA JAPAN. SANA GANITO NALANG PARATI. YUNG MEMORIES PURO MAGAGANDA. HINDI PURO MALULUNGKOT.

2 comments: