Grabe talaga kahapon, nagkita kasi kami ni Ate Paula kahapon sa may stasyon ng tren malapit samin. Tapos naka bike ako. Nagpapasama kasi siya na samahan ko daw siya sa Top Mall. Edi inangkas ko siya. E ang layo nung Top Mall. Mga 20-25 minutes pag baka bike. E angkas ko pa si Ate Pau. Hindi naman ako marunong mang-angkas pag ganun na kahaba 'yung nilalakbay namin. Tapos sobrang init ng araw. As in!!!! Tapos si Ate Pau na 'yung pinag-bike ko tapos ako nalang naglakad. Tapos habang naglalakad ako nanghihina na talaga ako. Tapos 'yung paningin ko sobrang liwanag. As in white talaga lahat. Maniwala man kayo o sa hindi. Ganun talaga. Grabe talaga 'yung oras na 'yon. Tapos pinipilit ko nalang talaga maglakad. Hinang hina ako tapos babagsak na talaga katawan ko. Umupo muna ako sa may gilid. Tapos hindi ko na talaga kaya. E may 7-11 sa katapat nun. Tapos bumangga bangga ako dun sa harang harang. Kasi wala talaga akong makita kundi liwanag. Puro white lahat. As in sobrang liwanag. Kaya hindi ko namalayan na babangga ako. Edi tatawid na'ko. Natatakot ako baka kasi pagtawid ko may sasakyan. E walang stoplight ng mga tumatawid. Kaya sariling diskarte nalang 'yung pagtawid dun. Tapos sabi ko sa sarili ko bahala na, hindi ko na talaga kaya. Tapos pasok ako kagad sa 7-11 edi malamig. Tapos nasusuka ako. E dun sa may CR may nakapaskil na may naglilinis dun sa loob. Kaya wala munang papasok. Pero dumiretso padin ako. Kasi sukang suka na talaga ako. Tapos putlang putla na ko nun. Sobrang hinang hina na talaga ako. Edi naghilamos ako ng muka. Tapos suka ako ng suka. Ang dami ko talagang sinuka. Habang sumusuka ako hinahagod ni Ate Pau likod ko. As in hiyang hiya talaga ako sa kanya. Kasi first time lang talaga nangyari sakin 'yung ganun. Takot na takot talaga ako e. Binilhan ako ni Ate Pau ng Vitamin Water. Tapos lumakas naman ako kahit papaano. Tapos nag sorry ako sa kanya. Sabi niya, sus. Wala 'yun. Diba nga Ate mo 'ko? Kasi Mommy tawag niya sa Mommy ko. Kasi magkasing-age lang 'yung Mommy niya tsaka Mommy ko. Ayun. Kaya kapatid kapatid kami.
IMBA talaga 'yung nangyari sakin na 'yun. Kakaiba talaga. Ayoko na talaga maulit 'yun. Takot na takot na talaga ko. T____________T
No comments:
Post a Comment