Wednesday, July 14, 2010

I had a great day today. \:D/

First subject & Fourth subject, nihonggo class ako sa isang classroom. Nung First subject ko, si Tanikawa Sensei 'yung teacher ko. Pinaka-favorite kong teacher. XD Tapos may dala siyang libro. Pang batang libro. Bedtime stories, yun. 'Momotaro' 'yung title nung book. Tapos sikat na sikat daw 'yung kwentong 'yun. Kumabaga sa pinas mga Three Little Pigs, mga ganun. =))) Tapos nagbanggit si Sensei ng mga sikat na kwentong pang-bata. Momotaro tsaka Urashima Taro lang 'yung naalala kong binggit niya. =))) Tapos sabi ko kay Sensei, alam ko 'yung kwento ng Urashima Taro. Edi nagulat si Sensei. Pano ko daw nalaman 'yung kwento nun. =))) Sinabi ko kasi dun sa school ko po dati sa Pinas, binasa pati pinag-aralan namin yan sa English subject namin. Nasa English book kasi namin. Pero naka English version na 'yung kwento. Edi ayun. Pinakwento sa'kin ni Sensei 'yung kwento. And guess what, inabot ako ng about 10-20 minutes. Nung kinuwento ko. Yung pag-kwento ko kasi Japanese 'yung language. At sobrang hirap na hirap ako sabihin. =)))) Kaya 'yung ibang term ini-english ko. At buti naman na gegets ni Sensei. Kaya ayun. After ko ikwento kay Sensei 'yung kwento ng Urashima Taro. Binasa ko na 'yung Momotaro. Tapos ineexplain niya sakin 'yung meaning. Achuchu~. =))) Hanggang sa mag-time na.

Okay, Second subject, English. Nag-basa at nagsulat. Okay naman English time namin.

Third subject, Math. Dito ako nalungkot. Kasi gets ko naman 'yung lesson e. Mabilis nga lang 'yung pagkaturo. Tapos 'yung language talaga 'yung problema. Hindi ko kasi masyado maintindihan. Kasi ang bilis magsalita tapos malalalim pa na salita ginagamit. Kaya ayun. Sobrang nakakalungkot lang talaga. :\

Fourth subject, nihonggo class with Tokiwa Sensei. Ayun, pinabasa nanaman niya sakin 'yung Grade 1 na pang Kanji. The one posted below. XD Natuwa ako kasi kabisado ko na 'yung mga Kanji kanji dun. Diretso kong nabasa. After kong basahin sulat naman. Walang kopya kopya. Sariling sikap talaga. Ayun, nagawa ko naman ng maayos. :D

Kyushoku - Lunch Time. Okay, nabusog ako sa Kyushoku namin. Chicken na walang buto tapos sauce niya matamis na ewan. Tapos gulay at soup na may batik batik na itlog, tofu, gulay and gatas. Dito lang talaga akong natutong uminom ng gatas, ever. Ever since hindi ako umiinom ng gatas. Kung iinom man ako ng gatas, chocolate ang flavor. Hindi 'yung puti. E puti 'yung gatas namin e. Lagi kong ubos 'yung isang bote! =)))))))) Isang tungga ko lang nun, ubos na. Walang tigel tigel. Sige laklak. XD

So, uwian na namin. Sabay kami ni Kate naglakad paalis ng school. Nakituloy muna ako sa bahay nila kasi malapit lang sa school. Mga 3 mins layo sa school. E pupunta mga magulang sa school. It's either mommy or daddy ang pupunta. Pwede ding both. Pero si mommy pumunta sakin. Kaya inantay ko nalang na tumawag si mommy sakin sa cp ko. Edi habang nandun ako, pina-sign ako ni Kate sa autograph niya. Japanese version nga lang. =))) Trinatranslate ni Kate tsaka ni Kito [kapatid ni Kate na second year] sakin yung ibig sabihin. Pag hindi ko ma-gets yung meaning. Sobrang hyper ni Kito e. Kala ko suplado siya. Pero yun nga. Magkasundo naman kami. Puro kagaguhan ang alam. =)))) Hindi siya marunong mag tagalog. Mga alam lang niyang words sa tagalog mga bad words. I don't need to mention that thing. =))))

No comments:

Post a Comment