Thursday, July 1, 2010

qwertyuiop.



BV DAY EVER!
T_________T



Kainis kasi 'yung Music time e. Panira ng araw. Practical kasi nila sa music. Mag-tutugtog sila gamit Flute. So, ako lang 'yung hindi nag gaganun. Tapos sobrang nakakahiya talaga. Kasi ggradan 'yung mga tutugtog. Tig-tatalo mag tutugtog sa harap. E binigay isa isa samin 'yung listahan ng estudyante sa section 1. Malamang andon pangalan ko. Tapos tinanong ni Yukimura, kung pa'no daw ako. Kung ggradan din ba'ko. Sabay tumingin 'yung *Lintek na teacher na 'yon sa'kin. Tapos sinabi na hindi ko naman alam tsaka mahirap tumugtog ng Flute. Tapos lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa'kin. Nasa pinaka-likod kasi ako. Edi kitang kita ko lahat sila nakatingin sa'kin. Tapos nakatiteg lang ako sa teacher ko. Tapos sinabi ba naman niya, Maika, imi mo wakaranai.. **Sabay may mga tumawa. Tapos bumulong ako sabi ko, wakaru yo..:( Dun talaga ako umiyak e. Ewan ko lang kung nakita nung iba kong mga kaklase. Kasi sumisinghot ako ng sipon ko e. Grabe 'yung feeling. Ansakit na sobrang nakakahiya. Pero hindi naman nila narinig. Duh? Naiintindihan ko kaya sila. Akala nila di ko alam pinagsasabi nila. Porket walang imek lang ako. STRIKE 1!



Edi yung tutugtog na 'yung mga sa kalapit ko sa upuan. Edi tumugtog sila. Tapos pinagbulgaran ba naman nung *Lintek na teacher na 'yon na 0 [zero] ako.. It seems na sobrang saya pa niya na sabihin sa'kin at sa harap ng klase 'yon. Sabay tumingin nanaman sa'kin mga kaklase ko. Pota, kala mo pinapatay ako 'non e. Sobrang nakakahiya talaga. Sabay andaming pumasok sa isip ko 'non. Pumapasok sa isip ko na wala naman talaga akong magagawa e. Kasi wala talaga akong alam sa Flute. Hindi naman nag-gaganun nung nasa tone. Kaya wala talaga akong alam. Kahit isang nota. Whateverrr. Tsaka wala din akong Flute. School ang mag pprovide ng Flute. Sana kung dati pa nila binigay sa'kin mapapag-aralan ko kahit konti lang. Tsaka nakakaiyak talaga kasi alam ko na talagang wala akong magagawa. Kasi hindi ko pinag-aralan yun. E wala e. Sobrang down na down talaga ako. Sabay pumapasok sa isip ko, habang umiiyak ako ngayong segundong 'to. Sila sa Pilipinas nagpapaka-saya kasi Funday nila. *Sabay tingin sa orasan. 2:00 sa orasan. Edi 1:00 sa Pinas. Malamang ang saya saya nila. Tapos ako eto.. Magang maga mga mata tsaka ang pula ng ilong. Ampanget mang tignan, pero yun ang katotohanan. Sinasabi ko sa sarili ko nun na, Ano ba Miko, wag ka na ngang umiyak. Kaya mo 'yan. Magtiis ka hanggang March. E 'yung pagtitiis mo naman na yan worth it e. Kasi para sa future mo kung bakit ka nag-sasakripisyo ngayon. Sana alam ng mga kaklase ko kung bakit ako nandito. Kung ano 'yung pinaka main reason. Hindi ko pinasok sarili ko dito para maroblema. Kung malalaman lang nila 'yung totoong dahilan, sana maintindihan nila ako. Na sobrang hirap mag-adjust sa lugar na hindi ka lumaki at wala kang kaibigan na pwedeng malapitan pag down na down ka. Parang ngayon. Wala akong malapitan. Wala akong masabihan. Nakakatamad na din ako mag FB. Wala din namang kwenta.



Hindi ko talaga alam gagawin ko nung mga oras na 'yun. Oras na iyak ako nag iyak at nag-iisip ng madaming bagay. Sobrang daming sikreto at lungkot na bagay sa likod ng masayahin, makulit at palatawang si Yumiko. Kaya habang umiiyak ako 'non nasabi ko sa sarili ko, pag tinatanong nila ako sa FB kung kamusta na ako dito sa Japan. Kamusta sa school. Parati kong sinasabi, Okay lang naman ako dito. Masaya. Sanay na ako na walang kaibigan na laging kasama kapag pupunta ng CR. Sanayan lang talaga. Mga ganun ganun. Pero ang totoo, hindi talaga. Sobrang hindi. Pinipilit ko sa sarili ko na okay lang ako dito. Pero na-realize ko na hindi talaga ako belong dito. Kahit anong saya na gawin ko. Pilit sa sarili ko na ibigay ang best at maging lively, wala pa'din e. Hindi nila na-aappreciate mga ginagawa ko. Wala lang. Props lang naman ako sa school na 'yon e. Pero eto na talaga naka-tadhana sa'kin. Na dito ko tatapusin Third Year ko.



Ngayon, binabasa lang 'tong sinusulat ko. Pero iba pa'din pag nakita mo sa personal kung pa'no nararamdaman ko. Iba talaga. Ngayon ko lang talaga naranasan 'to. Ngayon palang ang dami ko ng natutunan sa mga na-experience ko dito.



Katulad nalang ng mga Koreano sa tone. Kadalasan hindi natin sila pinapansin, pati na-aappreciate mga ginagawa nila. Minsan binabackstab. Nakikinig sa mga usapan nila pag silang mga kapwa Koreano ay nag-uusap ng lenguahe nila. Tapos tumatawa kapag narinig silang nagsasalita kasi hindi natin sila maintindihan. Tsaka hindi natin sila kinakaibigan. Masakit pala. Yung tipong gusto mo ng magpakamatay ng patiwarik. Kasi sobrang nakakahiya talaga. Nakikibagay ka sa hindi mo kababayan. Syempre, mahirap mag adjust. Pero bakit ganun, masaya naman sila sa tone. Kasi kahit papaano nakakapag-communicate sila sa mga tao using the English language. Pero dito, imba e. Kahit teacher sa English nihonggo pa'din gunagamit parati. Kahit pag kakausapin ako. Naiintindihan ko naman'yung sinasabi nila. Tsaka sinasagot ko sila ng nihonggo. Basta, iba talaga pag sa Pinas. Siguro kaya sinasabi ko na iba sa Pinas kasi syempre dun ako lumaki sa Pinas. Nandun mga kaibigan ko.



Ngayon palang, naninibago na ko sa mga kaibigang naiwan ko sa Pinas. Ewan ko kung bakit. Feel ko na di na'ko belong sa kanila. Kahit sinasabi nila na miss na nila ko. Basta, goodluck nalang talaga sa'kin dito. Malapit ko na ma-meet 'yung bestfriend ko. iPhone 4g. Be nice to me, okay? I'm here waiting for you. I'll take care of you. Promise. But make sure you will make me happy. Ikaw lang inaasahan ko na gagawa para sa'kin 'non. Though hanggang March/April/May lang kita makakapiling.



--Baby are you down, down, down, down, down. Yes, I am.

No comments:

Post a Comment